Thursday, March 12, 2015
FALLEN 44
Ika-30 ng Enero noong Biyernes,ginanap ang "National Day of Morning" sa ating bansa. Ang Pilipinas,at maging ang ibang bansa ay nakiramay ng naging matunog ang nangyari sa PNP SAF ng Pilipinas. Sa isang iglap,apatnapu't apat agad ang nasawi sa engkwentro ng PNP SAF at ng MILF. Isang madugong engkwentro sa Maguindanao. Lubos na pangungulila ang nadarama ng naiwang pamilya ng mga nasawing PNP SAF. Dahil sa nangyari,binigyan ng Full Military Honors ang mga labi ng mahigit na 40 tauhan ng PNP SAFna pinatay sa Mamasapano,Maguindanao na pinangunahan ng lider ng MILF na si Usman. Sinalubog naman ng mahigit 300 Miyembro ng PNP SAF Commandos ang mga nasawi nilang kasamahan na naging emosyonal at di na napigilan ang pagluha habang sila mismo ang nagbuhat sa mga bangkay,lalo namang emosyonal ang mga kapamilyang sumalubong sa mga ito. Ang St. Peter Funeral naman ang nagbigay ng serbisyo sa mga labi ng napaslangna PNP SAF kung saan inihatid nila ang mga bangkay sa tanggapan sa Camp Bagong Diwa,Bicutan,Taguig City para iburol muna doon ng dalawang araw bago ihatid sa kanilang mga bahay upang doon na iburol. At noong nakaraang araw lamang ay idinaos naman ang ika-apatnapu't araw ng kamatayan ng mga nasawing PNP SAF. Hindi ito katulad ng karaniwang ginagawa sa mga yumaong tao na "Forty days". Ang Apatnapu't araw na pagdiriwang sa mga Nasawing PNP SAF ay tanda ng pagtingin natin sa kanila bilang mga Bagong Bayani.
REAKSYON: Iba't-iba at halo-halo ang nadarama ko sa pangyayaring ito sa Apatnapu't apat na Philippine National Police-Special Action Force. Galit,lungkot,pighati,pagkabigla. Galit na namuo dahil naman sa di pagsalubong ng ating Pangulo noong ibinaba na dito sa Manila ang mga bangkay. Ipinapakita lang niya na parang di siya lubos na nakikiramay. Lungkot at pighati naman ng nasawi nga ang marami sa ating mga tagapagligtas.
Mararating natin ang katarungan na gusto nating makamit sa pamamagitan ng tamang proseso at wag bibitaw sa mga pangarap na gustong makamit.
Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda Day!
Si Dr.Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ay isang Pilipinong bayani at isa sa piankatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilpinas noong panahon ng mga Kastila. Ngayon,ay ating ginugunita at dapat gunitahin ang kabayanihang nagawa nya para sa ating Bayan at higit sa lahat ay isinasabuhay natin ang kanyang pangarap para sa ating mga Pilipino.
Ang Rizal Day o Araw ni Rizal ay tuwing ika-30 ng Disyembre. Magmula noong barilin siya sa Bagumbayan ng mga sundalo ay nagbago na ngayon ang takbo ng kasaysayan ng Pilipinas. Dapat nating pahalagahan ang mga bagay na ginawa niya para sa ating bansa. Siya ang isa mga nagtanghal sa ating lahi sa Europa.Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga Pilipino,pinatunayan niya rin na hindi nakukuha sa kulay ng balat ang kagalingan ng isang tao. Kaya marapat lang natin ito gunitain ng may buong respeto at pagmamahal sa ating mga Bayani.
Pag-aaksaya sa Pinagkukunang Yaman- Tula
Tayong lahat ay 'wag mag-aksaya,
'Pagkat ating kalikasan ay nag-iisa.
Malaki ang kahalagahan,lalo na sa pangangailangan.
Ating ireserba,alagaan at paka-ingatan.
Tayo'y masuwerteng biniyayaan ng Diyos,
ng isang kalikasang mayaman at maayos.
Datinbg may sariwang hangin,malinis at mabango,
Naku po! Bakit ngayo'y ganito? Madumi na't mabaho.
Asul at malinis na katubigan ang isang kaloob pa Niya.
Maraming isda,dilis,sapsap,tuna at tilapia.
Ngayon tayo'y tumingin,maraming basura't maitim,
dahil na rin sa kalokohang ginagawa natin.
Kalikasang dati'y pag tiningna'y maganda at maaliwalas
O Diyos Ko! Kami'y patawarin sa naging resulta.
Maraming basura na kakalat-kalat 'san man banda.
Imbis masolusyunan ay lalo pang lumalala.
Iglesia ni Cristo
Ang Iglesia Ni Cristo ay nagsimula noong ika-dalawampung siglo,na nakilala sa pagbangon ng mga kilusang laban sa kolonyalismo sa mga kanayunan na may teamng panrelihiyon. Ang mga misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga mapagpipilian sa Katolisismo na siya namang pamana ng mga Kastila.
Si Felix Manalo ay nagpapalipat-lipat sa iba-ibang panrelihiyon. Naging bihasa siya sa mga turo nng kanyang samahang panrelihiyon subalit bawat isa roon ay nakikita nyang may pagkukulang. Sinubukan din nya ang mga samahang Ateista at Agnostiko. Isang araw,gamit ang mga panitikang naipon niya mula sa mga relihiyong kanyang nasamahan,at dala maging ang bibliya,siya ay nakulong sa isang silid at doon sinimulan niya ang pansariling pagsasaliksik ng tunay na relihiyon. Pagkatapos ng tatlong araw at gabi,lumabas siya dala ang mga aral na siyang magiging saligan ng mga turo ng Iglesia Ni Cristo.
Nagsimula ang Iglesia ni Cristo sa kakaunting kaanib noong Hulyo 27,1914 sa Punta,Sta.Ana,Maynila na ang punong ministro ay si Felix y Manalo. Ipinalaganap niya ang kanyang mensahe sa kanyang mensahe sa kanyan pook at unti-unti niya ito pinalaki. Di ito pinansin ng Iglesya Katolika dahil akala nila hindi ito magtatagumpay at ito ay lalagpak. Subalit patuloy pa rin ang paglaki ng Iglesya maging sa gitna ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong 2005,pormal na kinilala ng Iglesya Katolika ang paglaki ng Iglesia Ni Cristo at binansagang isa sa mga may kapangyarihangpanrelihiyon. Ngayon,ang mga ministro ng Iglesya ay kasing bihasa na ng kahit aling mangangaral na Kristiyano at kayang makipagkatwiran sa banal na kasulatan maging sa orihinal ng Griego.
Apolinario Mabini;Isa sa mga Bayani ng Pilipinas
Si Apolinario Mabini y Maranan ay isang Pilipinong Theoretician na nagsulatng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901 at naglingkod bilang kauna-unahang "punong ministro" noong 1899. Pinanganak siya sa Talaga,Tanuan,Batangas at nagmula lang siya sa isang mahirap na pamilya nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
1894 nang siya'y makapagtapos ng pag-aabogado at matapos nito'y sumapi sa La Liga Filipina ni Jose Rizal. Siya ay nakatulong sa Nueva Ecija. Nagkasakit rin siya noong 1896 ng "Infantile Paralysis" na lumulumpo sa kanya. Dahil dito,ipinasundo siya ni Emilio Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinasundo ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika,inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas o Prime Minister at Pangulo ng Konseho. Sa panahong ito,isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899,si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang naisulat noon ang "Pagbangon at pagbagsak ng Himagsikang Pilipino", "El Simil de Alejandro" at "El Libra". Noong ika-5 ng enero,1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam,ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero,1903,kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong Ika-13 ng Mayo,1903 sa Nagtahan,Maynila.
Subscribe to:
Posts (Atom)