Thursday, March 12, 2015

FALLEN 44


                                Ika-30 ng Enero noong Biyernes,ginanap ang "National Day of Morning" sa ating bansa. Ang Pilipinas,at maging ang ibang bansa ay nakiramay ng naging matunog ang nangyari sa PNP SAF ng Pilipinas. Sa isang iglap,apatnapu't apat agad ang nasawi sa engkwentro ng PNP SAF at ng MILF. Isang madugong engkwentro sa Maguindanao. Lubos na pangungulila ang nadarama ng naiwang pamilya ng mga nasawing PNP SAF. Dahil sa nangyari,binigyan ng Full Military Honors ang mga labi ng mahigit na 40 tauhan ng PNP SAFna pinatay sa Mamasapano,Maguindanao na pinangunahan ng lider ng MILF na si Usman. Sinalubog naman ng mahigit 300 Miyembro ng PNP SAF Commandos ang mga nasawi nilang kasamahan na naging emosyonal at di na napigilan ang pagluha habang sila mismo ang nagbuhat sa mga bangkay,lalo namang emosyonal ang mga kapamilyang sumalubong sa mga ito. Ang St. Peter Funeral naman ang nagbigay ng serbisyo sa mga labi ng napaslangna PNP SAF kung saan inihatid nila ang mga bangkay sa tanggapan sa Camp Bagong Diwa,Bicutan,Taguig City para iburol muna doon ng dalawang araw bago ihatid sa kanilang mga bahay upang doon na iburol. At noong nakaraang araw lamang ay idinaos naman ang ika-apatnapu't araw ng kamatayan ng mga nasawing PNP SAF. Hindi ito katulad ng karaniwang ginagawa sa mga yumaong tao na "Forty days". Ang Apatnapu't araw na pagdiriwang sa mga Nasawing PNP SAF ay tanda ng pagtingin natin sa kanila bilang mga Bagong Bayani.


REAKSYON:    Iba't-iba at halo-halo ang nadarama ko sa pangyayaring ito sa Apatnapu't apat na Philippine National Police-Special Action Force. Galit,lungkot,pighati,pagkabigla. Galit na namuo dahil naman sa di pagsalubong ng ating Pangulo noong ibinaba na dito sa Manila ang mga bangkay. Ipinapakita lang niya na parang di siya lubos na nakikiramay. Lungkot at pighati naman ng nasawi nga ang marami sa ating mga tagapagligtas.
                           Mararating natin ang katarungan na gusto nating makamit sa pamamagitan ng tamang proseso at wag bibitaw sa mga pangarap na gustong makamit.

No comments:

Post a Comment